HYPERPOETRY

ANG MAHAL NATING BAYAN

By : John Railey S. Adriano

  • Ang mahal nating bayan
  • dapat nating ingatan
  • kaming mga kabataan
  • ang pag asa ng bayan
  • maging mabuting kabataan
  • para maalagaan ang bayan
  • udyukan ang karamihan
  • na ingatan ang mahal nating bayan
  • pagaaral ay pagsumikapan
  • para makatulong sa bayan
  • hikayatin ang iba na magaral
  • upang makatulong sa kabataan
  • ang batas ng ating bayan
  • ay dapat pagnilayin at sundin
  • ang pagrespeto sa batas
  • ang dapat nating unahin
  • ipakita ang ating katapatan
  • sa bayaning nagbuwis ng buhay
  • matapang na lumaban
  • para sa bayan ialay
  • bayan ang ating pundasyon
  • sa bawat araw at taon
  • hindi dapat nating sirain
  • ang pinaglaban ng bayani natin
  • alagaan ang sariling atin
  • ang bayan ay pasikatin
  • ang sakripisyo ng bayani natin
  • huwag nating balewalain